Monday, August 10, 2009

pasa - forte

airplane Pictures, Images and Photos
i just got my passport kanina. pagkatapos ng matagal na pangungulit ng aking mga magulang, finally, nag apply din aku at nakakuha. passport. hmmn. sarap hawakan. sarap tingnan. "ang pamahalaan ng republika ng pilipinas ay humihiling sa lahat ng kinauukulang pamunuan na pahintulutan ang pinagkakalooban nito, isang mamamayan ng Pilipinas, na makaraan ng malaya at walang sagabal, at kung kailangan, ay pag-ukulan siya ng lahat ng tulong at proteksyon ayon sa batas." naks! sarap basahin. at my translation pa sa ingels sa ibaba. parang big time na ang feeling. sa wakas kasi my passes ka na sa mundo. pwede ka ng maglakbay at mamasyal, mangibangbansa para magtrabaho at kumita ng dollars o kaya euro. sarap isipin. sarap pangarapin. pero ano nga ba ang bitbit ng pasaporte? sa piling mga tao ng ating lipunan, luxury travel to, bahamas at hawaii, las vegas at shanghai, thailand at hongkong, disneyland at hollywood dream. pero sa nakakarami sa ating mga kababayan, ito ay badya ng pagkakawatkwatak ng pamilya, ng batang tatanda ng walang tatay sa tabi.. ng sangol na iiyak na walng nanay para ipag-hele xa.. ng magulang na nasa upuan sa my terrace ng bahay at nangungulila sa anak at ng asawang iiyak sa gabi, sabik sa yakap at pag-ibig. kanina, nung tinitingnan ko ang pasaporte na bago lang sa king kamay. habang iniisip ko kung anong mga tatak naman kaya ang maimamarka duon.. o kung meron ba, naisip ko rin ang mga kababayan nating nagsasakripisyo sa ibang bansa. mga bayaning wala sa sariling bayan.. patriots in exile. ipagdasal natin sila.. na sana maging matatag sila, at di masilaw sa karangyaan ng dayuhang bansa. na sana ay manatiling tapat sa kanilang pamilyang iniwan sa bansa. at patuloy na isabuhay at ipagmalaki ang dugong bayaning nanalaytay sa kanilang mga ugat.. sa gitna ng mapangakit at mapagmalaking dayuhan. sya nawa.

No comments:

Post a Comment